Akala Ko Ako Lang by Hazel Bautista
Poetry

Akala Ko Ako Lang

SA MUNDONG TO, MINSAN MAY MGA HAKA-HAKA LAMANG TAYO. YUN BANG GAWA-GAWA LANG NG ISIP NATING MINSAN AY MAGULO. YUNG AKALA MO, MAHAL KA. YUN PALA, MAY MAHAL NA PALANG IBA.

KAYA ANG PAMAGAT NG PYESANG ITO AY, “AKALA KO, AKO LANG”

Nagsimula tayo sa isang grupo, Noong una hindi ko naman talaga pansin yung maamo mong mukha, Hindi ko nga rin pansin yung mapungay mong mga mata pag ika’y inaantok na. Mga matatamis na ngiti mo pag ako’y nangungulit na. Yung boses mo na nakakakilig pag ika’y kumakanta na.

Ang sarap sariwain no? Nung mga panahon na nagkukulitan lang tayong dalawa. OO. Tayong dalawa lang na parang walang iba. Yung yakap at akbay na walang malisya. Mga palitan ng mga mensahe na nagpapaganda sa araw nating dalawa.

Web Hosting

Pero sa paglipas ng mga araw, Yung akala ko kaibigan lang pero bakit parang may iba ng nararamdaman? Sa tuwing magkahawak ang ating mga kamay, tila ayoko ng bitawan. Sa mga pag-akbay mo sa aking mga balikat tuwing tayo’y may gala, Parang ayoko ng matapos ang araw. Bakit parang nag i-slow mo ang paligid pag ika’y nakakasama? Mahal na nga kaya kita? O mas kailangan ko muna yatang tanungin kung “ano ba tayong dalawa?”

Kaya eto na, ako’y aamin na… Gusto ko ng mabigyan ng linaw, Gusto ko ng magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan sa aking isipan. Nilapitan kita at sinabi ang aking nadarama. GUSTO KITA!!! Ngumiti ka lang.. Ngumiti ka sakin at tila puso ko’y nabuhayan nung nalaman kong pareho tayo ng nararamdaman. Nagpatuloy ang mga araw. Araw-araw mong pinaparamdam na ako’y espesyal. Sinanay mo ako na lagi ka lang andyan. Pero bakit habang tumatagal, Bigla nalang nagiging matamlay? Bakit bigla nalang tumabang? Yung matatamis na salita, Bakit nagiging mapait na?

Isang araw sa di inaasahang pagkakataon. May bigla akong natuklasan. Hindi naman ako pinanganak kahapon lang, Hindi rin ako bato para hindi ko maramdaman. Sinabi mong ako ang gusto mo pero bakit meron ka na ngayong ina-IMISSYOU-han?

Akala ko ako ang nagpapasaya sayo? Akala ko sapat na ang lambing ko para magustuhan mo? Akala ko games lang ang nilalaro, pero bakit parang pati feelings ko pinaglaruan mo? Akala ko yung nararamdaman natin ay pareho. Akala ko ako yung mahal mo. Ngunit… Ngunit bakit bigla nalang nagkaganito? Nawala kung ano man ang meron tayo. Bigla nalang napalitan ng SIYA sa buhay mo. Yung AKALA KO AKO LANG,  Nagmistulang MALING AKALA lang.

Sa puntong yun, Biglang pumatak ang mga luha ko. Tuloy tuloy ang pag-agos nito habang unti unti ka ng naglalaho.

SA PAG-AAKALA KO NA MAY PAG-ASANG MAGING TAYO, NAGKAMALI AKO. BINIGYAN KO LANG PALA NG KAHULUGAN ANG BAWAT GINAGAWA MO. ANG TANGA KO AT NABULAG AKO SA KAGAYA MO.

Hazel is a draftswoman who currently works as an AutoCAD operator. She is also a single mom. She’s interested in art museums. She loves to paint, especially portraits. She’s also a member of a charity group, hiking, and rider group. She started writing poetry since 2014.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge