• Balik Tanaw by Hazel Bautista
    Poetry

    Balik-Tanaw

    SANA MERON TIME MACHINE, PARA PWEDE NATIN MABAGO YUNG MGA TAO O PANGYAYARING MAKAKASAKIT SA ATIN SA KASALUKUYANG PANAHON. PERO SA TOTOO LANG, HINDING HINDI NATIN MAIIWASAN NA HINDI TAYO MASAKTAN LALO NA PAG TUNAY ANG ATING PAGMAMAHAL. KAYA YUNG PYESANG ITO AY TUNGKOL SA MGA TAONG PINAGTAGPO PERO HINDI ITINADHANA. MAG-EX NA KAHIT MAPAIT ANG NAKARAAN, NAGKAPATAWARAN AT MULI SILANG NAGING MAGKAIBIGAN.

    Gusto kong maglakbay sa ating nakaraan, kung saan ang mga paningin natin ay unang nagtama.
    Kung saan tayo nagsimula. Kung saan mahal pa natin ang isa’t isa.
    Gusto kong lakbayin yung mga panahong tayo ay masaya,
    Mga walang humpay na halakhak kasama ang mga tropa.
    Doon naman tayo nag-umpisa, sa mga panunukso nila, diba?
    Gusto kong maglakbay sa lugar na kung saan tayo unang nagsimba. Lagi pa nga tayo nagtatanungan kung ano ang ating ipinagdasal. Saka mo sinabi na, IBINIGAY NA NYA ANG MATAGAL MO NG INAASAM.
    Ang sarap balikan nung mga panahong ako lang… Tayo lang sa mundong ating sinimulan.
    Gusto kong lakbayin yung panahon na naglalakbay tayo sa iba’t ibang lugar.
    Pag-akyat sa iba’t ibang bundok pa nga ang ating libangan.
    Gusto kong lakbayin yung lugar kung saan nagsimula ang mga PANGAKONG hindi napanindigan.
    Gusto kong lakbayin yung mga panahon na nangako ka sa nakahimlay kong ama na iingatan mo ako at hindi sasaktan.
    Kung saan naniwala naman ako dahil maganda naman ang ating nasimulan.

    Ang ganda ng ating simula, Mga surpresa mong nakakamangha. Mga iba’t ibang pakulo mong sa akin ay nagpapasaya.
    Nakakatuwa, Dahil buong AKO ay iyong tinanggap. Busog na busog sa mga halik at yakap.
    Ang sarap lakbayin yung lugar kung saan tayo unang lumabas,
    Nakakalusaw yung mga tingin mo na tila nagsasabing “ETO YUNG BABAENG HINDING HINDI KO PAPAKAWALAN”.
    Ang ganda ng ating simula, dahil pareho tayong baliw sa isa’t isa.
    Ang ganda ng ating simula, dahil tiwala tayo sa isa’t isa.
    Ang ganda ng ating simula, dahil noong mga panahon na kailangan ko ng tunay na karamay,
    Andyan ka lang, laging nakaabang at nakaalalay.

    Ngunit sa bawat pagsasama, sinusubok talaga ni tadhana.

    Kaya tara at lakbayin na natin yung lugar kung saan tayo unang nag-away, Sa isang maliit na espasyo ng aming tahanan, Bakit ganito? Bakit ganyan? Ano to? Sino to? Mga tanong sa aking isipan. Kaya ito’y ating pinag-usapan.
    Humingi ng kapatawaran. Dahil ikaw ay aking mahal, Muli ito’y ating sinubukan.
    Nais kong lakbayin yung panahon na naging masaya na ulit tayong dalawa.
    Nangako muli sa isa’t isa na hinding hindi na mauulit pa. Kahit pa nabawasan ang ibinigay na tiwala. sige lang.
    Hinayaan kong mahalin mo lang ako, Hinayaan kong mahalin mo ko, Dahil yun ang sabi mo di ba?

    Dumating tayo sa araw na aking kinatatakutan. Sa di malaman na dahilan. Bakit tila may nagbago. Bakit di ko na kilala ang mga kilos at galaw mo. Tila may kahati na sa oras at atensyon mo. Yung mga masasaya nating mga araw, bakit unti-unti ng nababalutan ng kadiliman? Muli, tayo ay sinubukan, Ang mga pangarap natin na sabay nating tutuparin bakit nawalan nalang ng saysay.  Ang mga pangako ay bigla nalang kinalimutan. Ang mga masasaya nating nasimulan Bakit ipinagpalit sa panandaliang kaligayan? Bakit sa dinami-rami na ng ating pinagdaanan, Nauwi pa sa mga kalokohan at kasinungalingan?

    Sa pangyayaring yon, Masarap pa rin maglakbay papunta sa nakaraan, Dahil hindi mo mararanasan ang tunay na pagmamahal kung hindi ka nasaktan. Hindi ka kasing tatag ngayon kung wala ang nakaraan. Pero mas masarap maglakbay kung yung taong nanakit sayo sa nakaraan ay kasama mo pa rin hanggang sa kasalukuyan, hindi para magbalikan. Kundi gumawa ng panibagong ala-ala bilang isang mag-kaibigan.

  • Akala Ko Ako Lang by Hazel Bautista
    Poetry

    Akala Ko Ako Lang

    SA MUNDONG TO, MINSAN MAY MGA HAKA-HAKA LAMANG TAYO. YUN BANG GAWA-GAWA LANG NG ISIP NATING MINSAN AY MAGULO. YUNG AKALA MO, MAHAL KA. YUN PALA, MAY MAHAL NA PALANG IBA.

    KAYA ANG PAMAGAT NG PYESANG ITO AY, “AKALA KO, AKO LANG”

    Nagsimula tayo sa isang grupo, Noong una hindi ko naman talaga pansin yung maamo mong mukha, Hindi ko nga rin pansin yung mapungay mong mga mata pag ika’y inaantok na. Mga matatamis na ngiti mo pag ako’y nangungulit na. Yung boses mo na nakakakilig pag ika’y kumakanta na.

    Ang sarap sariwain no? Nung mga panahon na nagkukulitan lang tayong dalawa. OO. Tayong dalawa lang na parang walang iba. Yung yakap at akbay na walang malisya. Mga palitan ng mga mensahe na nagpapaganda sa araw nating dalawa.

    Pero sa paglipas ng mga araw, Yung akala ko kaibigan lang pero bakit parang may iba ng nararamdaman? Sa tuwing magkahawak ang ating mga kamay, tila ayoko ng bitawan. Sa mga pag-akbay mo sa aking mga balikat tuwing tayo’y may gala, Parang ayoko ng matapos ang araw. Bakit parang nag i-slow mo ang paligid pag ika’y nakakasama? Mahal na nga kaya kita? O mas kailangan ko muna yatang tanungin kung “ano ba tayong dalawa?”

    Kaya eto na, ako’y aamin na… Gusto ko ng mabigyan ng linaw, Gusto ko ng magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan sa aking isipan. Nilapitan kita at sinabi ang aking nadarama. GUSTO KITA!!! Ngumiti ka lang.. Ngumiti ka sakin at tila puso ko’y nabuhayan nung nalaman kong pareho tayo ng nararamdaman. Nagpatuloy ang mga araw. Araw-araw mong pinaparamdam na ako’y espesyal. Sinanay mo ako na lagi ka lang andyan. Pero bakit habang tumatagal, Bigla nalang nagiging matamlay? Bakit bigla nalang tumabang? Yung matatamis na salita, Bakit nagiging mapait na?

    Isang araw sa di inaasahang pagkakataon. May bigla akong natuklasan. Hindi naman ako pinanganak kahapon lang, Hindi rin ako bato para hindi ko maramdaman. Sinabi mong ako ang gusto mo pero bakit meron ka na ngayong ina-IMISSYOU-han?

    Akala ko ako ang nagpapasaya sayo? Akala ko sapat na ang lambing ko para magustuhan mo? Akala ko games lang ang nilalaro, pero bakit parang pati feelings ko pinaglaruan mo? Akala ko yung nararamdaman natin ay pareho. Akala ko ako yung mahal mo. Ngunit… Ngunit bakit bigla nalang nagkaganito? Nawala kung ano man ang meron tayo. Bigla nalang napalitan ng SIYA sa buhay mo. Yung AKALA KO AKO LANG,  Nagmistulang MALING AKALA lang.

    Sa puntong yun, Biglang pumatak ang mga luha ko. Tuloy tuloy ang pag-agos nito habang unti unti ka ng naglalaho.

    SA PAG-AAKALA KO NA MAY PAG-ASANG MAGING TAYO, NAGKAMALI AKO. BINIGYAN KO LANG PALA NG KAHULUGAN ANG BAWAT GINAGAWA MO. ANG TANGA KO AT NABULAG AKO SA KAGAYA MO.