• Pagbabago by Pen of Isha
    Poetry

    Pagbabago

    Madaming mga bagay bagay na ramdam mo,
    kung nag bago ba.
    Alam mo kung nag iba na
    Alam mo kung may mali na.
    Mga nakasanayang bagay,
    unti unting nagbabago na.
    Yung dating masayang kwentuhan,
    ngaun nawala na.
    Yung message mo naglaho na,
    kasabay ng pag seen mo sa message ko.
    Yung pag tawag mo,
    di marinig.
    Dahil naka in another call kana pala.
    Yung sabi mong ako lang,
    sa una’y natuwa at ito’y ikinagalak,
    ngunit ngayon ang tanong,
    Ako nga lang ba?

  • Umasa by Pen of Isha
    Poetry

    Umasa

    Sa salitang umasa.
    Kasalanan ko bang mahulog sa taong alam ko na hindi naman pala ako sasaluhin.
    Pero masisisi mo ba na umasa ako, 
    hindi ba’t ikaw din ang nagbigay dahilan upang umasa ako.

    Pinaasa mo ko sa araw araw na pag uusap.
    Pinaasa mo ko sa mga salitang mahalaga ako sayo.
    Pinaasa mo ko sa pagpapakitang special din ako sayo.

    Pinangiti,
    Pinatawa,
    Pinakilig.
    3 P’s na nag bigay dahilan ng para mag assume ako.
    Na baka sakaling ganon din ang nararamdaman mo.
    Kagaya ng mga pinakita mo.

    Tanga nga ba kong nahulog sa mga ngiti mo?
    Tanga nga ba akong nahumaling sa mga titig mo?
    Tanga nga ba akong umasa na meron kahulugan lahat ng to.

    Mali nga ba ang umasa?
    Mali nga bang mahalin ka?
    Mali nga bang umasa ako na meron din tayo?
    Mali nga bang umasa ako sa pagkakataong na pwedeng maging ikaw at ako.

    Kung tatanungin ba natin ang isa’t isa,
    sino nga ba ang may sala?
    Ako na umasa sa pag ibig na di ako sigurado?
    O ikaw, na nagbigay pag asa na merong pag iibigan?

    Sa salitang umasa, bakit ako umasa.
    Umasa ako kase mahal kita.
    Umasa sa salitang mahalaga ako.
    Umasa ako na kahit ang sakit sakit na tanggapin na isa lamang ‘tong malabong usapan.
    Nagpakatanga.
    At umasa ako,
    Sa kadahilanang,
    Nagmahal lang ako.

  • Wala Nang Mensahe by Pen of Isha
    Poetry

    Wala Nang Mensahe

    Paulit ulit kang tumitingin sa cellphone mo,
    nag aantay, nagbabaka sakali na nag message na siya.
    Inaantay mga mensahe na alam mong di naman na dadating.

    Wala nang mensahe na magpapaganda ng araw mo,
    naglaho na.
    Wala nang mensahe na magpapakilig sayo,
    kase wala naman siyang pakialam.

    Nagagawa niyang mag message sa iba,
    pero sayo hindi na,
    dahil di ka naman talaga mahalaga kagaya ng sinabi niya.

    Naglaho na ang mga mensahe na bumubuo sa araw mo at nagapapakilig sayo.
    Naglaho na, kasabay ng pag gising mo sa katotohanan na ikaw lang pala.
    Ikaw lang pala ang gustong makausap at makachat siya.