• Pansamantala by K
    Poetry

    Pansamantala

    Pansamantala, yan ang hilig mo.
    Hindi ko alam kung bakit pero yan ang napatunayan ko.

    Na sa’yo na yung pang matagalan na sabi mong kailangan mo,
    kaso naakit ka sa panandaliang hindi ka naman sigurado.

    Hindi naman tayo bata para maglaro ng tanga tangahan,
    ewan ko ba bakit ginawa mo ng libangan.

    Binigyan ka ng buo pero ika’y nakulangan,
    imbis na sabihin para mapunan, sa iba hinanap ang kakulangan.

    Distansya at pag-iisa, yan and laging dahilan.
    Inintindi ka, lahat ng pag unawa ginawa pero lahat biglang nawala.
    Totoo nga siguro na hindi ka na magbabago.

    Hindi ako magyayabang dahil sa estado ko,
    alam kong konting suyo mo magkakaayos tayo.
    Magmamahal ulit ako ng buo at ngayon uumpisahan ko sa sarili ko.

  • Paglipas by K
    Poetry

    Paglipas

    Segundo, minuto, oras, araw. Gaano katagal na naman kaya bago lumipas,
    Lumipas yung sakit na nadarama ng puso kong pagod na.

    Lilipas pa ba? Hanggang kelan kaya? Hanggang kelan masasaktan sa taong hindi naman marunong lumaban, sa tao na hanggang “mahalaga ka” at “mahal kita” ang kaya lang bitawan.

    Bawat salita na nang galing sa bibig mo pinaniwalaan ko, mahal kita eh! Mali ko lang akala ko mahal mo din ako kasi sabi mo ako lang walang iba, pero nalingat lang ako may kausap ka na palang iba.

    Okay lang masaya naman na ako. Masaya nga ba? Oo masaya ako, maaring hindi sa ngayon pero pangako sasaya din ako.

  • Tanga by K
    Poetry

    Tanga

    Hindi ko alam kung pano ko sisimulan.
    Sisimulan yung bagay na tinapos mo na nga pala

    Naisip ko baka naman kasi mali ko,
    baka may kulang, baka ganito, baka ganun,
    baka sakaling maayos ko pa.

    Sa lahat ng baka sakali nagmukha akong tanga,
    ay hindi lang pala nag mukhang tanga
    kasi sa sobrang pagkabulag ko,
    naging tanga na nga talaga.

    Pinagtanggol kita kasi akala ko mali sila,
    mali sila na mahal mo naman ako talaga.
    Diba magsasama tayo, yan ang iyong pangako,
    pero eto ngayon daig mo pa napako,
    napako sa kasinungalingang hindi mo maipagtapat
    dahil hindi ka nga pala tapat.

    Oo tanga ako, tanga ako na nagmahal sayo,
    pero eto lang masasabi ko…
    “ako yung tanga na hahabulin mo”.