• Ito Ang Huling Tulang Isusulat Ko Tungkol Sa'yo by Nickle Love
    Poetry

    Ito Ang Huling Tulang Isusulat Ko Tungkol Sa’yo

    Ito ang huling tulang isusulat ko tungkol sa’yo.
    Siguro. Siguro kasi hindi ko naman kayang diktahan ang puso ko.
    Hindi ko nga ito napigilan nung unti-unti itong nag kagusto sayo
    Nag kagusto ako sayo ng hindi ko alam kung bakit, hindi ko maipaliwanag,
    basta tuwang tuwa ako pag nakikita kita, kahit lagi mo sinasabing wala kang kwenta.
    Nagustuhan pa rin kita, kahit na boring ka.
    Naging marupok ako, sabi nga nila.

    Ito na ang huling tulang isusulat ko tungkol sa’yo.
    Baka lang naman. Hindi ako sigurado kasi may sariling utak ang utak ko.
    Tuwing akala ko ok na ako, bigla kong maalala yung mga panahong sobrang ok tayo.
    Don’t get me wrong. Naka move on naman na ako.
    Nagising na ako sa katotohanang hindi mo naman talaga ako gusto.
    Sa kabila ng mga tanong kong naninigurado at sa sagot mong oo, gusto mo ko,
    Isang araw biglang iba na ang kinakausap mo at siniseenzone mo na lang ako.

    Ito na siguro ang huling tula na isusulat ko tungkol sa’yo,
    Kasi pagod na ako. Pagod na akong intindihin ang takbo ng utak mo.
    Pagod na akong lumaban para sa taong hindi ako pinahalagahan.
    Pagod na akong subukang ayusin ang kung ano man ang meron tayo.
    Teka. Wala nga palang tayo. Walang ikaw at ako.
    Nung tanungin kita kung ano tayo, sabi mo friends. Tinanggap ko.
    “more than friends” biglang habol mo. Hindi ba nakakagago?
    Dahil makalipas lang ang ilang araw meron ka nang bago.
    Oo na, wala nga kasing tayo eh. Ano nga ba problema ko?

    Ito na nga siguro ang huling tulang isusulat ko tungkol sayo.
    Kasi natauhan na ako. Hindi naman talaga worth it ang pagluha ko sayo.
    Sapat nang nag mahal ako at nasaktan sa pag iwas mo.
    Sa pag deny mong may iba nang nagpapasaya sayo.
    Kahit nakita ko mismo kung pano mo sya kausapin.
    Parehong pareho ng dating paglandi mo sa akin.
    Pattern na rin kasi, pang ilan na nga ba ako?
    Hindi ka naman nakukuntento,
    pag nag sawa ka na, iba na naman ang hahabulin mo.
    Mag name drop na ba ako?
    Hindi na. Tama na. Finish na.
    Promise naka move on na talaga ako.
    At ito na ang huling tulang isusulat ko tungkol sayo.

  • Sabi Mo by Nickle Love
    Poetry

    Sabi Mo

    Sabi mo isang araw malalaman ko,
    Kung ako ba ay trip mo,
    Hindi ito klaro,
    pero yun ang sabi mo.

    Sabi mo crush mo ko siguro
    Pero hanggang dun lang yon
    Kasi mahirap na higitan pa ito
    Kaya sige tinanggap ko.

    Sabi mo special ako,
    Yun ang lugar ko sa buhay mo,
    Nagpasalamat ka sa pagtyatyaga ko,
    Kasi sabi mo walang nagmamahal sayo.

    Sabi mo gusto mo ko,
    Pero takot kang mahulog
    Kasi pag andun ka na baka maiwan ka ulit
    Kaya hindi kita pinilit.

    Sabi mo ako lang ang kausap mo
    Naniwala naman ako
    Pero isang araw napansin ko
    Iba na ang gusto mo.

    Sabi mo umiwas ako
    Pag iwan sa ere tinanggi mo
    Nasaktan ako nung narealize ko,
    Pagtingin mo sakin ay hindi totoo.

  • Hindi Na by Nickle Love
    Poetry

    Hindi Na

    Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo
    Sapat na yung isa, dalawa, tatlong beses na pangungulit ko
    Kung sa kabila nito ay hindi mo pa rin gusto
    Wala nako magagawa kaya titigilan ko na ito.

    Hindi na kita kakausapin kasi parang ayaw mo
    Nagmumukha na akong tanga kakatanong kung anong problema mo
    Pinili mong manahimik na lang kaya sige pagbibigyan ko
    Kung ayaw mo na talaga edi sige lang, go.

    Hindi na kita iisipin kasi wala namang magbabago
    Parang wala naman talaga akong halaga sa iyo
    Iisipin ko na lang lahat ng sinabi mo ay walang totoo
    At sa katapusan nito, magkalimutan na tayo.

  • Papansin by Nickle Love
    Poetry

    Papansin

    Dati hindi naman kita kilala
    Paminsan minsan ika’y nakikita
    Presenya mo’y hindi napapansin
    Hanggang isang araw ako’y napatingin

    Atensyon ko’y iyong nakuha
    Nung kumaway ka at nag pakilala
    Ako naman ay hindi suplada
    Sa kabila ng iyong inakala

    Sabihin na nating nagpapansin ka
    Kaya loob ko ay iyong nakuha
    Araw araw tayong nagkukulitan,
    Nagpapalitan ng mga hirit at banatan.

    Sinanay na lagi kang andyan
    Hanggang isang araw ako ay tinalikuran
    Walang usap usap, walang paliwanag
    Minsan ay hindi na mahagilap.

    Nabaliktad na ang mundo
    Ako na ang nagpapapansin sa’yo
    Pero nakuha mo na ang iyong gusto
    Kaya ako’y iniwan na lang dito.

  • Stop and Start by Nickle Love
    Poetry

    Stop and Start

    I’ll stop messaging you
    Coz you’re already ignoring me

    I’ll stop checking up on you
    Coz you’re distancing yourself from me

    I’ll stop calling you
    Coz you refuse to answer anyway

    I’ll stop loving you
    Coz you didn’t really feel the same way.

    I’ll start moving on
    Coz it’s what I should do

    I’ll start healing now
    Coz my heart is broken into two

    I’ll start putting myself together again
    Coz my world stopped when I met you

    I’ll start loving myself more
    Coz I can’t expect anyone else to

  • Minsan by Nickle Love
    Poetry

    Minsan

    Minsan na akong nahulog
    Sa mga tingin at ngiting nakakabulabog
    Matatamis na salitang nambibilog
    Ngunit sa huli puso ko ang nabugbog.

    Minsan na akong nagmahal
    Binuksan ang puso at sumugal
    Nag baka sakaling totoo ang pagmamahal
    Ng isang lalaking hindi man lang nagtagal.

    Minsan na akong nasaktan
    Nung marinig ang kanyang mga kasinungalingan
    Kahit nahuli na ng harap-harapan
    Patuloy syang nag mamaang-maangan.

    Minsan na akong nasawi
    Sa mga salitang nagpaasa pero binawi
    Ang pagtitinginang hindi maikubli
    Sa pag-iwas lang din nauwi.

  • Natawa Na Lang Ako by Nickle Love
    Poetry

    Natawa Na Lang Ako

    Natawa na lang ako sa nalaman ko.
    Dati akala ko dumalawa lang kami sayo,
    Yun pala meron pang pangatlo.
    Napaisip tuloy ako,
    Baka hindi lang kami ang tinalo mo,
    Hindi naman ako nagkamali sa pagtanto
    kasi pati may nobyo na diniskartehan mo.

    Natawa na lang ako nung nalaman ko,
    Pinaniwalang ako lang ang napupusuan mo
    Pero makalipas ang ilang araw napansin ko,
    May bago nang nagpapasaya sayo.
    Oo nasaktan ako, pero anong magagawa ko?
    Hindi nga naman opisyal, wala namang tayo.
    Kaya eto na lang, tatawa na lang ako.

    Natawa na lang ako sa na-realize ko,
    Parang lahat ng nangyari ay laro lang sa iyo.
    Diskarte sa mga babae ay pare-pareho,
    Inakala na ang pagsuyo ay totoo,
    Pinaniwalang pagtingin mo ay seryoso.
    Sa kabila ng lahat hanggang dito na lang ako,
    Walang ibang magagawa kundi matawa sa kalokohan mo.

  • Balakid by Nickle Love
    Poetry

    Balakid.

    Balakid.
    Salitang pag binaliktad mo baka maiyak ka,
    Maalala mo yung panahong sinabi nyang “gusto kita”
    Yung araw na naisip mong sana,
    Sana ito na. Sana sya na. Sana totoo na.

    Sinanay ka nya sa araw-araw, gabi-gabi,
    Pinaramdam nya na ikaw ang kanyang minimithi,
    Pinakilig ka ng kanyang mga ngiti,
    Inawitan pa ang puso mong kinikiliti.

    Pero teka, makalipas lang ang ilang linggo,
    Parang, parang biglang may nagbago.
    Pagtingin nya sayo ay nag-iba, naglaho,
    Kung kailan nahuhulog na ang iyong puso.

    Wala ka nang magawa kundi magtaka,
    Mapaisip kung mayroon ka bang nagawang hindi tama?
    May nasabi ka bang hindi maganda?
    Para pag trato nya sayo ay biglang mag iba?

    Isang araw nalaman mo na lang may bago na pala sya,
    May iba nang nagpapasaya sa kanya,
    Ibang babae na ang kanyang hinaharana,
    Pero gamit ang mga kantang minsan ay sayo ikinanta.

    Bakit nga ba ganito ang tadhana,
    Kung kailan nagbakasali saka pa pinaasa,
    Isang malaking balakid ang hindi inaasahan,
    Salitang pag binaliktad ang syang tunay na dahilan.

    Di ka lab. 💔

  • Downsizing poster
    Pop Culture

    Downsizing

    [Nickle’s Quick Review]

    Downsizing

    Plot: A kindly occupational therapist undergoes a new procedure to be shrunken to four inches tall so that he and his wife can help save the planet and afford a nice lifestyle at the same time.

    Director: Alexander Payne

    Stars:
    Matt Damon, Christoph Waltz, Hong Chau

    Good concept. Poor execution.
    Trying too hard to be funny or serious.
    2/5

     

  • Jumanji: Welcome to the Jungle poster
    Pop Culture

    Jumanji: Welcome to the Jungle

    [Nickle’s Quick Review]

    Jumanji: Welcome to the Jungle

    Plot: The tables are turned as four teenagers are sucked into Jumanji’s world – pitted against rhinos, black mambas and an endless variety of jungle traps and puzzles. To survive, they’ll play as characters from the game.

    Director:
    Jake Kasdan

    Stars: Dwayne Johnson, Karen Gillan, Kevin Hart, Jack Black, Nick Jonas

    Surprisingly better than expected.
    Adventure-filled, not-so-funny, but pretty good. 4/5