• Akala Ko Ako Lang by Hazel Bautista
    Poetry

    Akala Ko Ako Lang

    SA MUNDONG TO, MINSAN MAY MGA HAKA-HAKA LAMANG TAYO. YUN BANG GAWA-GAWA LANG NG ISIP NATING MINSAN AY MAGULO. YUNG AKALA MO, MAHAL KA. YUN PALA, MAY MAHAL NA PALANG IBA.

    KAYA ANG PAMAGAT NG PYESANG ITO AY, “AKALA KO, AKO LANG”

    Nagsimula tayo sa isang grupo, Noong una hindi ko naman talaga pansin yung maamo mong mukha, Hindi ko nga rin pansin yung mapungay mong mga mata pag ika’y inaantok na. Mga matatamis na ngiti mo pag ako’y nangungulit na. Yung boses mo na nakakakilig pag ika’y kumakanta na.

    Ang sarap sariwain no? Nung mga panahon na nagkukulitan lang tayong dalawa. OO. Tayong dalawa lang na parang walang iba. Yung yakap at akbay na walang malisya. Mga palitan ng mga mensahe na nagpapaganda sa araw nating dalawa.

    Pero sa paglipas ng mga araw, Yung akala ko kaibigan lang pero bakit parang may iba ng nararamdaman? Sa tuwing magkahawak ang ating mga kamay, tila ayoko ng bitawan. Sa mga pag-akbay mo sa aking mga balikat tuwing tayo’y may gala, Parang ayoko ng matapos ang araw. Bakit parang nag i-slow mo ang paligid pag ika’y nakakasama? Mahal na nga kaya kita? O mas kailangan ko muna yatang tanungin kung “ano ba tayong dalawa?”

    Kaya eto na, ako’y aamin na… Gusto ko ng mabigyan ng linaw, Gusto ko ng magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan sa aking isipan. Nilapitan kita at sinabi ang aking nadarama. GUSTO KITA!!! Ngumiti ka lang.. Ngumiti ka sakin at tila puso ko’y nabuhayan nung nalaman kong pareho tayo ng nararamdaman. Nagpatuloy ang mga araw. Araw-araw mong pinaparamdam na ako’y espesyal. Sinanay mo ako na lagi ka lang andyan. Pero bakit habang tumatagal, Bigla nalang nagiging matamlay? Bakit bigla nalang tumabang? Yung matatamis na salita, Bakit nagiging mapait na?

    Isang araw sa di inaasahang pagkakataon. May bigla akong natuklasan. Hindi naman ako pinanganak kahapon lang, Hindi rin ako bato para hindi ko maramdaman. Sinabi mong ako ang gusto mo pero bakit meron ka na ngayong ina-IMISSYOU-han?

    Akala ko ako ang nagpapasaya sayo? Akala ko sapat na ang lambing ko para magustuhan mo? Akala ko games lang ang nilalaro, pero bakit parang pati feelings ko pinaglaruan mo? Akala ko yung nararamdaman natin ay pareho. Akala ko ako yung mahal mo. Ngunit… Ngunit bakit bigla nalang nagkaganito? Nawala kung ano man ang meron tayo. Bigla nalang napalitan ng SIYA sa buhay mo. Yung AKALA KO AKO LANG,  Nagmistulang MALING AKALA lang.

    Sa puntong yun, Biglang pumatak ang mga luha ko. Tuloy tuloy ang pag-agos nito habang unti unti ka ng naglalaho.

    SA PAG-AAKALA KO NA MAY PAG-ASANG MAGING TAYO, NAGKAMALI AKO. BINIGYAN KO LANG PALA NG KAHULUGAN ANG BAWAT GINAGAWA MO. ANG TANGA KO AT NABULAG AKO SA KAGAYA MO.

  • Ito Ang Huling Tulang Isusulat Ko Tungkol Sa'yo
    Poetry

    Ito Ang Huling Tulang Isusulat Ko Tungkol Sa’yo

    Ito ang huling tulang isusulat ko tungkol sa’yo.
    Siguro. Siguro kasi hindi ko naman kayang diktahan ang puso ko.
    Hindi ko nga ito napigilan nung unti-unti itong nag kagusto sayo
    Nag kagusto ako sayo ng hindi ko alam kung bakit, hindi ko maipaliwanag,
    basta tuwang tuwa ako pag nakikita kita, kahit lagi mo sinasabing wala kang kwenta.
    Nagustuhan pa rin kita, kahit na boring ka.
    Naging marupok ako, sabi nga nila.

    Ito na ang huling tulang isusulat ko tungkol sa’yo.
    Baka lang naman. Hindi ako sigurado kasi may sariling utak ang utak ko.
    Tuwing akala ko ok na ako, bigla kong maalala yung mga panahong sobrang ok tayo.
    Don’t get me wrong. Naka move on naman na ako.
    Nagising na ako sa katotohanang hindi mo naman talaga ako gusto.
    Sa kabila ng mga tanong kong naninigurado at sa sagot mong oo, gusto mo ko,
    Isang araw biglang iba na ang kinakausap mo at siniseenzone mo na lang ako.

    Ito na siguro ang huling tula na isusulat ko tungkol sa’yo,
    Kasi pagod na ako. Pagod na akong intindihin ang takbo ng utak mo.
    Pagod na akong lumaban para sa taong hindi ako pinahalagahan.
    Pagod na akong subukang ayusin ang kung ano man ang meron tayo.
    Teka. Wala nga palang tayo. Walang ikaw at ako.
    Nung tanungin kita kung ano tayo, sabi mo friends. Tinanggap ko.
    “more than friends” biglang habol mo. Hindi ba nakakagago?
    Dahil makalipas lang ang ilang araw meron ka nang bago.
    Oo na, wala nga kasing tayo eh. Ano nga ba problema ko?

    Ito na nga siguro ang huling tulang isusulat ko tungkol sayo.
    Kasi natauhan na ako. Hindi naman talaga worth it ang pagluha ko sayo.
    Sapat nang nag mahal ako at nasaktan sa pag iwas mo.
    Sa pag deny mong may iba nang nagpapasaya sayo.
    Kahit nakita ko mismo kung pano mo sya kausapin.
    Parehong pareho ng dating paglandi mo sa akin.
    Pattern na rin kasi, pang ilan na nga ba ako?
    Hindi ka naman nakukuntento,
    pag nag sawa ka na, iba na naman ang hahabulin mo.
    Mag name drop na ba ako?
    Hindi na. Tama na. Finish na.
    Promise naka move on na talaga ako.
    At ito na ang huling tulang isusulat ko tungkol sayo.

  • Sabi Mo
    Poetry

    Sabi Mo

    Sabi mo isang araw malalaman ko,
    Kung ako ba ay trip mo,
    Hindi ito klaro,
    pero yun ang sabi mo.

    Sabi mo crush mo ko siguro
    Pero hanggang dun lang yon
    Kasi mahirap na higitan pa ito
    Kaya sige tinanggap ko.

    Sabi mo special ako,
    Yun ang lugar ko sa buhay mo,
    Nagpasalamat ka sa pagtyatyaga ko,
    Kasi sabi mo walang nagmamahal sayo.

    Sabi mo gusto mo ko,
    Pero takot kang mahulog
    Kasi pag andun ka na baka maiwan ka ulit
    Kaya hindi kita pinilit.

    Sabi mo ako lang ang kausap mo
    Naniwala naman ako
    Pero isang araw napansin ko
    Iba na ang gusto mo.

    Sabi mo umiwas ako
    Pag iwan sa ere tinanggi mo
    Nasaktan ako nung narealize ko,
    Pagtingin mo sakin ay hindi totoo.

  • Hindi Na
    Poetry

    Hindi Na

    Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo
    Sapat na yung isa, dalawa, tatlong beses na pangungulit ko
    Kung sa kabila nito ay hindi mo pa rin gusto
    Wala nako magagawa kaya titigilan ko na ito.

    Hindi na kita kakausapin kasi parang ayaw mo
    Nagmumukha na akong tanga kakatanong kung anong problema mo
    Pinili mong manahimik na lang kaya sige pagbibigyan ko
    Kung ayaw mo na talaga edi sige lang, go.

    Hindi na kita iisipin kasi wala namang magbabago
    Parang wala naman talaga akong halaga sa iyo
    Iisipin ko na lang lahat ng sinabi mo ay walang totoo
    At sa katapusan nito, magkalimutan na tayo.

  • Papansin
    Poetry

    Papansin

    Dati hindi naman kita kilala
    Paminsan minsan ika’y nakikita
    Presenya mo’y hindi napapansin
    Hanggang isang araw ako’y napatingin

    Atensyon ko’y iyong nakuha
    Nung kumaway ka at nag pakilala
    Ako naman ay hindi suplada
    Sa kabila ng iyong inakala

    Sabihin na nating nagpapansin ka
    Kaya loob ko ay iyong nakuha
    Araw araw tayong nagkukulitan,
    Nagpapalitan ng mga hirit at banatan.

    Sinanay na lagi kang andyan
    Hanggang isang araw ako ay tinalikuran
    Walang usap usap, walang paliwanag
    Minsan ay hindi na mahagilap.

    Nabaliktad na ang mundo
    Ako na ang nagpapapansin sa’yo
    Pero nakuha mo na ang iyong gusto
    Kaya ako’y iniwan na lang dito.

  • Umasa
    Poetry

    Umasa

    Sa salitang umasa.
    Kasalanan ko bang mahulog sa taong alam ko na hindi naman pala ako sasaluhin.
    Pero masisisi mo ba na umasa ako, 
    hindi ba’t ikaw din ang nagbigay dahilan upang umasa ako.

    Pinaasa mo ko sa araw araw na pag uusap.
    Pinaasa mo ko sa mga salitang mahalaga ako sayo.
    Pinaasa mo ko sa pagpapakitang special din ako sayo.

    Pinangiti,
    Pinatawa,
    Pinakilig.
    3 P’s na nag bigay dahilan ng para mag assume ako.
    Na baka sakaling ganon din ang nararamdaman mo.
    Kagaya ng mga pinakita mo.

    Tanga nga ba kong nahulog sa mga ngiti mo?
    Tanga nga ba akong nahumaling sa mga titig mo?
    Tanga nga ba akong umasa na meron kahulugan lahat ng to.

    Mali nga ba ang umasa?
    Mali nga bang mahalin ka?
    Mali nga bang umasa ako na meron din tayo?
    Mali nga bang umasa ako sa pagkakataong na pwedeng maging ikaw at ako.

    Kung tatanungin ba natin ang isa’t isa,
    sino nga ba ang may sala?
    Ako na umasa sa pag ibig na di ako sigurado?
    O ikaw, na nagbigay pag asa na merong pag iibigan?

    Sa salitang umasa, bakit ako umasa.
    Umasa ako kase mahal kita.
    Umasa sa salitang mahalaga ako.
    Umasa ako na kahit ang sakit sakit na tanggapin na isa lamang ‘tong malabong usapan.
    Nagpakatanga.
    At umasa ako,
    Sa kadahilanang,
    Nagmahal lang ako.

  • Pansamantala
    Poetry

    Pansamantala

    Pansamantala, yan ang hilig mo.
    Hindi ko alam kung bakit pero yan ang napatunayan ko.

    Na sa’yo na yung pang matagalan na sabi mong kailangan mo,
    kaso naakit ka sa panandaliang hindi ka naman sigurado.

    Hindi naman tayo bata para maglaro ng tanga tangahan,
    ewan ko ba bakit ginawa mo ng libangan.

    Binigyan ka ng buo pero ika’y nakulangan,
    imbis na sabihin para mapunan, sa iba hinanap ang kakulangan.

    Distansya at pag-iisa, yan and laging dahilan.
    Inintindi ka, lahat ng pag unawa ginawa pero lahat biglang nawala.
    Totoo nga siguro na hindi ka na magbabago.

    Hindi ako magyayabang dahil sa estado ko,
    alam kong konting suyo mo magkakaayos tayo.
    Magmamahal ulit ako ng buo at ngayon uumpisahan ko sa sarili ko.

  • Stop and Start
    Poetry

    Stop and Start

    I’ll stop messaging you
    Coz you’re already ignoring me

    I’ll stop checking up on you
    Coz you’re distancing yourself from me

    I’ll stop calling you
    Coz you refuse to answer anyway

    I’ll stop loving you
    Coz you didn’t really feel the same way.

    I’ll start moving on
    Coz it’s what I should do

    I’ll start healing now
    Coz my heart is broken into two

    I’ll start putting myself together again
    Coz my world stopped when I met you

    I’ll start loving myself more
    Coz I can’t expect anyone else to

  • I choose to leave
    Poetry

    I Choose to Leave

    I choose to leave and let go.
    Not because I don’t love you anymore.
    It’s because I need to love my self too.
    The love I lost because of loving you.

    I expected too much of you.
    I assumed too much,
    I hope too much too
    And loved you too much.

    There’s a choice between
    leaving and staying.
    But staying will only cause pain.
    So I choose to leave.

    I will miss all the sweetness we had.
    The sweet talks,
    The laughter that we shared.
    And all of your sweet songs for me.

    Our relationship became more painful for me to bear.
    A love without sentiments.
    A love that was taken for granted.

    And someday I will move on.
    And If I see you again.
    I will look into your eyes without regrets and pain.

    And tell you with a lot of courage,
    I did love you so pure with all of my heart.
    But you let me slip away.

  • Minsan
    Poetry

    Minsan

    Minsan na akong nahulog
    Sa mga tingin at ngiting nakakabulabog
    Matatamis na salitang nambibilog
    Ngunit sa huli puso ko ang nabugbog.

    Minsan na akong nagmahal
    Binuksan ang puso at sumugal
    Nag baka sakaling totoo ang pagmamahal
    Ng isang lalaking hindi man lang nagtagal.

    Minsan na akong nasaktan
    Nung marinig ang kanyang mga kasinungalingan
    Kahit nahuli na ng harap-harapan
    Patuloy syang nag mamaang-maangan.

    Minsan na akong nasawi
    Sa mga salitang nagpaasa pero binawi
    Ang pagtitinginang hindi maikubli
    Sa pag-iwas lang din nauwi.