Natawa Na Lang Ako
Poetry

Natawa Na Lang Ako

Natawa na lang ako sa nalaman ko.
Dati akala ko dumalawa lang kami sayo,
Yun pala meron pang pangatlo.
Napaisip tuloy ako,
Baka hindi lang kami ang tinalo mo,
Hindi naman ako nagkamali sa pagtanto
kasi pati may nobyo na diniskartehan mo.

Natawa na lang ako nung nalaman ko,
Pinaniwalang ako lang ang napupusuan mo
Pero makalipas ang ilang araw napansin ko,
May bago nang nagpapasaya sayo.
Oo nasaktan ako, pero anong magagawa ko?
Hindi nga naman opisyal, wala namang tayo.
Kaya eto na lang, tatawa na lang ako.

Natawa na lang ako sa na-realize ko,
Parang lahat ng nangyari ay laro lang sa iyo.
Diskarte sa mga babae ay pare-pareho,
Inakala na ang pagsuyo ay totoo,
Pinaniwalang pagtingin mo ay seryoso.
Sa kabila ng lahat hanggang dito na lang ako,
Walang ibang magagawa kundi matawa sa kalokohan mo.

Likes to travel whenever time and budget permits. Needs a time-turner to read all the books she owns. Enjoys watching different kinds of series and movies. Blogs whenever she can. Plays Mobile Legends and PUBG in her spare time.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge